Paanyaya:

Ang Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman ay inaanyayahan ang mga mamayang may binubuwisang ari-ariang hindi natitinag o Real Property Tax na sumali at makilahok sa Kampanya sa Buwis. Sundan lamang ang panuto na kaakibat nito upang magkaroon ng tiyansa na manalo ng Toyota Wigo at Honda Click Motorcycle.

Ito ay para sa mga nagbayad at magbabayad na naka-petsa sa taong kasalukuyan (2024) at sa susunod na taon (2025).
Para sa mga nagbayad simula Enero ng taong kasalukuyan (2024), mangyari lamang na dalahin ang inyong resibo sa Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman para makakuha ng raffle ticket.
Maraming Salamat po.